Buhay-Probinsya sa Panahon ng Pandemya

“Kumusta ang buhay mo sa probinsya ngayong may pandemya?”

                “Marami ang gustong umuwi sa probinsya, maganda ba riyan?”

Ito ay ilan lamang sa mga tanong na maaaring sumagi sa isipan ng mga taong naninirahan sa Kamaynilaan maging sa labas ng bansa, mga taong malayo sa probinsiya at hindi naranasan ang buhay-probinsya.

                Ang bayan ng Antique ay isa sa mga bayan sa Pilipinas na biniyayaan din ng na likas na yaman, payak ngunit masaya ang buhay. Nang dumating ang pandemya, lahat naging apektado, mula sa simpleng mangingisda patungo sa mga magsasaka sa bukid, mga tricycle driver, mga kawani ng gobyerno at pribadong sector, maging ang mga propesyunal.

                Ipinatupad ng Gobyerno ang mahigpit na lockdown at community quarantine sa buwan ng Abril hanggang kalagitnaan ng Mayo.

                Mararamdaman ang takot sa bawat isa, dinig ang hinagpis, kitang-kita ang pag-iingat ng karamihan sa gitna nang pag-asang makahanap ng paraan upang mapakain ang pamilya.

                Sinikap ng gobyerno na bigyan ng tulong-pinasyal ang halos milyon-milyong Pilipino, sinikap din ng lokal na pamahalaan na mabigyan ng pagkain; bigas at mga panunahing pangangailan ang bawat pamilyang nasasakupan.

                Naging malaking tulong ito para sa bawat isa.

                Umaaray ang pondo ng gobyerno.

                Binuksan paunti-unti ang ekonomiya, niluwagan ang paggalaw ng tao sa ibang lugar na mababa ang kaso ng COVID-19.

                Wala na ang dati, at hindi na maibabalik ang dating normal na paggalaw lalong-lalo na sa trasportasyon, sa pagtitipon, sa mga palengke, sa mga malls at marami pang iba. May mga tuntunin na sinusunod ang lahat; sa mga business establishment, paunti-unting pinapapasok ang mga mamimili, mahigpit na sinusunod ang pagsanitize o paghugas ng kamay kahit saan ka lang papasok na gusali, sinusunod din ang isang metrong layo sa isa’t isa at ang istriktong pagsuot ng face mask.

New normal! ‘ika nga nila. Ito na ang bagong paggalaw ng tao. Maingat, natatakot ngunit may matibay na pananampalataya sa Maykapal.

                Hindi lang ito laban ng may kapangyarihan. Hindi ito solong laban ng mga doctor at mga health practitioners. Hindi lang ito laban ng panggulo ng bawat bansa sapagkat ito ay laban ng bawat isa, laban ng lahat.

Ang bawat isa ay may mahalagang papel na ginagampanan sa labang ito.

                Mahalaga an gating papel sa ating sarili, sa ating pamilya, sa ating komunidad, sa ating lipunan at sa ating mundong tinitirahan.

                Iba-iba man tayo ng paraan ng pakikipaglaban, iisa parin ang ating hangarin: ang maisalba ang buhay ng bawat isa.

                Sumasaludo ako sa mga taong nangunguna sa pagharap sa laban kontra COVID-19. Sa ating mga medical doctors at nurses at sa lahat ng kasapi ng health sectors, sa mga uniform personnel, sa buong kaguruan, opisyales ng gobyerno, sa mga utility personnel, garbage collector at sa mga manggagawa na may malaking papel sa patuloy na pagbibigay ng pangunahing pangangailangan ng mga tao, isang papupugay!

                Patuloy na humahangad ang bawat isa na mapakain ang pamilya sa gitna ng pademya, kaya naman lahat tayo ay naghahanap ng mga paraan upang mkakain, upang makapera.

                Nadudurog ang puso ko sa mga kababayan natin na sa ibang lugar na ang tanging paraan lamang nila ng paghahanap ng pera ay panlilimos dahil sa kawalan ng trabaho at oportunidad na dulot ng pandemya, sa mga kapatid nating ginawang pansamantalang tahanan ang mga sasakyan at sa mga natutulog sa mga terminal ng bus at eroplano sa loob ng ilang araw upang makauwi lamang sa kanilang pamilya.

Ang mga pamilyang naiwan sa mga probinysa, anak, ama at ina, mga kapatid at maging mga kaibigan ay nababalisa rin sa sitwayon ng kanilang kapamilyang malayo sa kanila.

                Samantala ang mga pamilyang ito na apektado rin ay may mga pananim na maaaring mapagkunan ng pagkain sa probinsya. Biyaya sa kanila ang mga pananim kanilang itinanim at pinalago ng kalikasan.

Gulay, prutas mga bulaklak, mga hayop na kumakain ng damo sa bakanteng lupa at mga bukirin ang siyang nagpapagaan sa damdamin na dulot ng pandemya, kay sarap ang lamyos ng hangin sa balat. Kay sarap nang tulog sa tuwing gabi dulot ng malamig na temperatura at tahimik na paligid na ingay lamang ng kalikasan ang madidinig.

Payak ang pamumuhay, gulay ang karaniwang nasa hapag kainan. Wala namang mapapasukang trabaho ginugugul naman ang panahon sa pagbubungkal ng lupa at pagtatanim. Ang tubig na iniinom, mula sa batis na kaylamig-lamig na patuloy sa pag-agos kasabay sa unti-unti hanggang sa malakas na pagpatak ng ulan.

                Salamat sa Maykapal! Salamat sa biyayang hindi matatawaran.

Sa gitna ng pandemyang ito, may pinapaalala sa atin ang panahon ­— tuklasin ang biyaya ng kalikasan at magsimulang magbahagi.

Published by jmfilonline

A proud Filipino youth of the Philippines, the pearl of the orient sea.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: